Itutuloy ngayong araw ang pamamahagi ng P15,000 na financial assistance sa retailers na apektado ng mandated price ceiling sa bigas.
Ayon sa Presidential Communications Office, ngayong lunes ay isasagawa ang distribusyon ng ayuda sa Pateros, Navotas, at Parañaque sa Metro Manila, at sa Zamboanga del Sur.
Tukoy na rin ang kabuuang 337 benepisyaryo na tatanggap ng ayuda, kabilang ang 15 retailers sa Pateros, 161 sa Navotas, 129 sa Parañaque, at 32 sa Zamboanga del Sur.
Ang distribusyon ay pangungunahan ng Department of Social Welfare and Development, Department of Agriculture, Department of Trade and Industry, at Department of the Interior and Local Government.
Matatandaang noong Sabado ay sinimulan ang pamamahagi ng cash assistance sa mga palengke sa Quezon City, San Juan City, at Caloocan City.
Batay sa monitoring ng DA, 94% ng retailers sa NCR ang sumusunod sa mandated price ceiling kabilang ang P41 sa kada kilo ng regular milled rice, at P45 per kilo sa well-milled rice. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News