dzme1530.ph

Enrile: ICC ipahuhuli kapag tumuntong sa Pilipinas

Ipaa-aresto ni Presidential Chief Legal Counsel Juan Ponce Enrile ang investigators ng International Criminal Court (ICC) sa oras na sila ay pumasok sa Pilipinas para muling imbestigahan ang War on Drugs.

Ayon kay Enrile, hindi niya papayagang makapasok ang ICC investigators dahil wala silang “sovereign power” sa bansa. Sinabi rin ni Enrile na hindi nila ito pinag-uusapan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil hindi naman ito maituturing na isyu.

Kaugnay dito, iginiit ng Presidential Chief Legal Counsel na hindi nila hahayaang imbestigahan o litisin ng ICC ang sinumang opisyal ng Pilipinas. Matatandaang inaprubahan ng ICC ang muling pagbubukas ng imbestigasyon sa madugong War on Drugs ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sinabi naman ni Enrile na ipinatutupad lamang ni Duterte ang batas alinsunod sa konstitusyon.

About The Author