dzme1530.ph

BuCor, naglunsad ng Kadiwa Pop-up store sa New Bilibid Prison

Inilunsad ng Bureau of Correction (BuCor) ang Kadiwa Pop-up store sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) Reservations sa Muntinlupa City.

Ito’y bilang tulong sa hakbang ng gobyerno na magbigay sa publiko ng mga pangunahing produkto na abot-kaya sa bulsa, sa koordinasyon ng Department of Agriculture (DA).

Ayon Kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. araw-araw nang mabibili sa Kadiwa store ang mga sariwang gulay, prutas, itlog, asukal, isda, bigas at iba pang produkto.

Target ng opisyal na gamitin ang NBP reservations bilang “Pambansang Bagsakan ng Bigas para sa Mamamayan.”

Ang lokasyon ng NBP ay maganda at mas madali para sa food terminal at government center sa katimugang Metro Manila dahil konektado na ang North Luzon Expressway sa South Luzon Expressway.

Dagdag pa ni Catapang magkaloob ng rehabilitasyon sa mga PDLs sa tulong ng agricultural production training, at vocational gardening sa ilalim ng BuCor’s Works and Livelihood Program.

Pagpapabuti sa PDLs at ibang miyembro ng komunidad para sa sapat na pagkain, meal nutrition, at dietary qualities sa buong taon, malawakang produksiyon at sapat na pag-aani ng mga prutas at gulay.  –sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author