dzme1530.ph

AFP at PCG, sinaluduhan sa matagumpay na resupply mission sa Ayungin Shoal

Pinuri ni Senate President Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri ang mga tauhan ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard panibagong matagumpay na resupply mission sa BRP Sierra Madre sa bahagi ng Ayungin Shoal.

Batay sa datos, ito na ang ikatlong matagumpay na resupply mission sa BRP Sierra Madre sa loob ng limang linggo.

Sinaluduhan ni Zubiri ang mga tauhan ng AFP at PCG para sa walang takot nilang pagganap sa kanilang misyon sa kabila ng pananakot mula sa mga Chinese Coast Guard at militia vessels.

Iginiit ng senate leader na isa itong resupply mission at tanging mga barbaro ang matutuwa na makitang mawalan ng pagkain ang mga sundalong nagsasagawa lang ng mapayapang misyon.

Sa kabila ng mga matagumpay na resupply mission, ipinaalala ni Zubiri na tiyak na magpapatuloy pa rin ang China na na harangin mga sasakyang pandagat sa karagatang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.

Kaya dapat anya ay patuloy na mag-ingat ang ating pwersa at palagiang maging mapagbantay.

Tiniyak pa ni Zubiri na handa ang senado na suportahan ang AFP at PCG sa kanilang budget, sa layuning makapagtatag ang bansa ng maasahang self-defense posture na makakapagprotekta sa Pilipinas at sa mga Pilipino. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author