Nagpasalamat si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Australian Prime Minister Anthony Albanese para sa pag-suporta sa tindig ng Pilipinas sa West Philippine Sea dispute.
Sa kanilang bilateral meeting sa Malakanyang, pinuri ng Pangulo ang pananaw ng Australia na naniniwalang hindi valid ang mga claims sa maritime territory ng Pilipinas.
Tiniyak naman ng Australian leader na mananatiling consistent ang kanilang posisyon sa WPS issue.
Pinagtibay din nito ang suporta sa 2016 Arbitral Ruling sa South China Sea, at patuloy din nitong itataguyod ang seguridad at ang pag-suporta sa United Nations Convention on the Law of the Sea.
Una nang pinasalamatan ni Marcos ang Australia sa ASEAN-Australia Summit sa Indonesia, kaugnay ng aktibo nitong partisipasyon sa maritime issues. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News