Naglabas ng babala ang Department of Health (DOH) kaugnay sa mga naglabasan na mga link na ginagamit ang pangalan ni Health Secretary Teodoro Herbosa tungkol sa gamot sa diabetes.
Sa abiso ng DOH, walang ineendorso na anumang uri ng gamot ang kalihim tulad ng binabanggit ng mga kumakalat na link.
Maging ang ahensya ay hindi rin nagrerekomenda ng ganitong uri ng gamot dahil wala namang medisina para magpagaling ng mga ganitong non communicable and comorbidities.
Mahaharap din sa kasong kriminal ang sinumang gumagamit sa pangalan ni Herbosa at ng DOH para makapanloko at manlinlang sa publiko. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News