dzme1530.ph

Motorcycle Riding Academy ng MMDA, suportado ng Senado

Suportado ni Senate Committee on Finance Chairman Sonny Angara ang itatayong Motorcycle Riding Academy ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa katunayan ay nag-donate ang senador ng 10 motorsiklo sa MMDA kasabay ng inagurasyon ng Communications Command Center ng ahensya sa Pasig City.

Sinabi ni Angara na magandang proyekto ang pagbubukas ng Motorcycle Riding Academy para makapagbigay ng libreng training sa mga rider tungkol sa tama’t ligtas na pagmomotorsiklo.

Ipinaliwanag ng senador na araw-araw ay mayroong aksidente dahil sa trapik kaya’t napapanahon ang inisiyatibo ng MMDA at umaasa siyang mababawasan na ang mga aksidente.

Sa pinakahuling ulat ng World Health Organization, nasa ika-11 pwesto ang Pilipinas sa 175 na bansa kaugnay sa dami ng mga namatay dahil sa aksidente sa kalsada.

Sa datos naman ng MMDA, 40% ng road crash fatalities sa bansa ay mga motorcycle riders. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author