Naglatag na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng mga booster pump sa ilang mga Estero sa Maynila para mabawasan ang nangyayaring pagbaha partikular na sa ilang bahagi ng Tondo, Sta. Cruz at Quiapo.
Sa natanggap na ulat ni DPWH Secretary Manuel Bonoan kay DPWH National Capital Region Director Loreta Malaluan, inilagay ang mga booster pump sa Estero dela Reina at Estero de Quiapo.
Ang mga booster pump na ito ang magiging paraan para magtuloy-tuloy ang daloy ng tubig para maiwasan ang pagbaha sa mga nabanggit na lugar
Nasa tig-apat na unit ng booster pump ang naikabit sa Estero dela Reina sa Sta. Cruz at Estero de Quiapo na kayang i-discharge ang nasa one cubic meter ng tubig baha kada segundo.
Kaya rin nitong ihiwalay ang mga debris o mga basura o kalat mula sa tubig naja kaya’t naiiwasan na magbara ang mga daluyan ng tubig. –Felix Laban, DZME News