dzme1530.ph

Pagbibitiw sa pwesto ni DOF Usec. Cielo Magno, inasahan na dahil sa pagtutol sa mga polisiya ng administrasyon!

Kinumpirma ng Malakanyang ang pagbibitiw sa pwesto ni Department of Finance Undersecretary Cielo Magno.

Ayon kay Executive Sec. Lucas Bersamin, inasahan na ang pagtatapos ng appointment ni Cielo dahil malinaw umano na hindi nito sinusuportahan ang gobyerno at mga programa nito tungo sa nation-building.

Iginiit pa ni Bersamin na tumututol si Cielo sa mga polisiya ng administrasyon, at isinasa-publiko na niya ito sa social media bago pa man umupo sa pwesto si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Matatandaang lumutang ang mga ulat na mismong ang Palasyo umano ang nag-abiso kay Cielo na mag-resign, kasunod ng kanyang facebook post na tila kumukwestyon sa mandated price ceiling sa bigas.

Iginiit naman ni Bersamin na bagamat sinusuportahan nila ang Freedom of Speech ay hindi pa rin katanggap-tanggap na maging bahagi ng administrasyon ang isang taong bumabatikos dito. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author