Dahil sa patuloy na pamamayagpag ng text scams, iminungkahi ni Senador Francis Tolentino na ikunsidera ang paniningil na ng bayad sa pagpaparehistro ng pang-apat na SIM ng isang subscriber.
Sinabi ni Tolentino na layon ng kanyang mungkahi na mapigilan ang mga scammer na makapanloko ng mga Pilipino.
Inihalintulad pa ng senador ang sitwasyon sa mga subdivision na nagpapataw ng mas mataas na bayad sa sticker para sa ikatlong kotse ng isang homeowner.
Naniniwala ang senador na ang suhestiyon niyang ito ay makakatulong sa mga mahihirap na Pilipino na mayroon lang isa o dalawang cellphone.
Una nang kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division ang lantarang pagbebenta ng mga rehistradong SIM sa iba’t ibang social media platforms.
Iginiit ng senador na sa pamamagitan ng hakbangin na pagbabayad sa ikaapat o higit pang SIM ay mahihirapan nang makapanloko ang mga balak gumawa ng cybercrime sa pamamagitan ng maraming SIM. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News