Sumampa na sa siyam ang bilang ng mga lugar na isinailalim sa state of calamity dahil sa epekto ng mga nagdaang bagyo at habagat.
Sa situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, pawang nasa Western Visayas ang mga nagdeklara ng state of calamity, kabilang ang bayan ng Leganes, Pototan at Oton sa Iloilo; bayan ng Sibalom, San Remigio, at Hamtic sa Antique; at bayan ng Bago, Bacolod at San Enrique sa Negros Occidental.
Dahil sa deklarasyon, maaaring gamitin ng mga nasabing lugar ang kanilang calamity fund upang makapamahagi ng tulong sa mga biktima ng mga bagyo. –sa panulat ni Airiam Sancho