dzme1530.ph

PBBM, pinalawig ang E-visas ng ilang foreign national

Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr, ipinag-utos ang pagpapalawig ng E-visas sa ilang foreign nationals.

Inatasan ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga ahensya ng gobyerno na palawigin ang E-visas para sa mga Chinese, Indian, South Korean at Japanese nationals na naglalayong mapalakas ang turismo sa bansa.

Inilabas ni Pangulong Marcos Jr. ang kautusan matapos makipagpulong sa Private Sector Advisory Council (PSAC) at mga Tourism sector group sa Malacañang kung saan pinayuhan ng konseho ang Pangulo upang makamit ang Economic Goals ng pamahalaan.

Inirerekomenda ng PSAC ang pagsasama ng mga Indian national sa ilalim ng Visa-upon-arrival Program at ang extension ng E-visa na kasalukuyang magagamit lamang para sa Taiwanese, Chinese, Indian, South Korean, at Japanese nationals.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo na nakikipagtulungan na ang DFA sa Department of Information and Communications Technology (DICT) hinggil sa pagbuo ng mga planong ito.

Sinabi rin ni Manalo na may programa ang DFA na naaangkop sa ilang Chinese nationals habang ang mga Americans, Japanese, Australians, Canadians, at Europeans ay maaaring magkaroon ng 14-day visa pagdating sa bansa.

Samantala, sinabi ni DICT Secretary Ivan Uy na pinag-aaralan pa ng ahensya ang iba’t ibang connectivity matters, na kailangang i-thresh out kaugnay ng iba pang hurisdiksyon na kukuha ng Philippine E-visa Platform

About The Author