dzme1530.ph

Kahalagahan ng pagdo-donate ng dugo, alamin!

Maraming ospital at institusyon ang tumatanggap ng blood donations o nagsasagawa ng blood drive.

Subalit, bakit nga ba mahalaga ang pagdo-donate ng dugo?

Batay sa mga pag-aaral, ang pagbibigay ng dugo ay makatutulong para sa mga pasyente.

Bago operahan, kailangan na mayroong nakahandang dugo bilang pamalit sa natatapon habang sumasailalim sa operasyon.

Pero, tandaan dapat akma sa blood type ng pasyente ang dugo na gagamitin.

Para naman sa mga pasyenteng may cancer, mahalaga ang pagpapasalin ng dugo para tumaas ang platelets count pagkatapos ng gamutan. –sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author