dzme1530.ph

Planong pagbili ng avian flu vaccine, makakapagpasigla ng poultry industry sa bansa

Asahan ang muling pagsigla ng poultry industry sa bansa dahil sa planong pagbili ng Pilipinas sa Indonesia ng avian flu vaccine.

Nagpasalamat si House Speaker Martin Romualdez kay Pangulong Bongbong Marcos, Jr. sa inisyatiba nitong makipag-pulong sa leading Indonesian animal health firm na PT Vaksindo Satwa Nusantara.

Sinabi ng Vaksindo na handa silang mag-invest ng $2-M ngayon taon at mag-supply ng avian flu vaccine sa Pilipinas kasabay ng kahandaan na makipag-tulungan sa Univet Nutrition and Animal Healthcare Company Philippines.

Naniniwala si Romualdez na sa pagdating ng avian flu vaccine ay muling sisigla ang poultry industry sa bansa, at asahan ang pagbaba ng presyo ng karneng manok at itlog.

Ang avian flu ay matagal nang problema sa Pilipinas, at naging dahilan kung bakit maraming poutry business ang nalugi.

Batid umano ng Pangulo ang problemang ito kaya isa sa kanyang priority ang makipag-pulong sa Vaksindo habang ito ay nasa Indonesia para sa 43rd ASEAN Summit and Related Summits. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author