Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kina Cambodian Prime Minister Hun Manet at Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh, sa sidelines ng 43rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Indonesia.
Sa kanilang pulong, nagpaabot ng pagbati ang Pangulo para sa pagkakahalal ng bagong Cambodian leader.
Kasabay nito’y tinalakay ng dalawa ang pagpapalakas ng alyansa at mutual cooperation sa kalakalan at pagpapalitan ng impormasyon at teknolohiya.
Ipinabatid din ng Pangulo ang layuning makabuo ng kasunduan upang maibsan ang epekto ng El Niño sa Pilipinas.
Samantala, sa pulong sa Vietnamese PM ay tinalakay ang pagpapaigting ng partnership at kooperasyon sa bigas at food security. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News