dzme1530.ph

PBBM at US Vice President Kamala Harris, pinag-usapan ang South China Sea sa bilateral talks sa Indonesia

Pinag-usapan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at US Vice President Kamala Harris ang South China Sea sa sidelines ng 43rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Indonesia.

Ayon sa White House, tinalakay ng dalawa ang maritime security environment sa South China Sea, at pagpapalakas ng bilateral maritime cooperation.

Welcome rin kay Marcos at Harris ang tinukoy na apat na karagdagang lokasyon para sa Enhanced Defense Cooperation Agreement ng Pilipinas at America.

Mababatid na sa 11th ASEAN-US Summit na dinaluhan ni Harris, tiniyak ng Pangulo ang patuloy na pakikipagtulungan sa Estados Unidos upang mapanatili ang kapayapaan at progreso sa rehiyon.

Samantala, tinalakay din ng dalawa ang mga oportinidad sa pagpapaigting ng bilateral economic cooperation at economic resilience. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author