dzme1530.ph

Privilege speech ni Sen. Padilla tungkol sa pagsisilbi ng warrant of arrest, sinagot ng BI

Nagpalabas ng paglilinaw ang Bureau of Immigration (BI) patungkol sa pagdakip sa mga Filipino na nasa ports of entry and exit na nahaharap sa warrant of arrest.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, hindi saklaw ng BI ang pagpapatupad ng warrant of arrest.

Iginiit ni Tansingco na local law enforcement agencies lamang gaya ng NBI at PNP, ang otorisadong magsagawa nang pagdakip o mag-serve ng warrant of arrest.

Ang paglilinaw na ito ng commissioner ay tungkol sa privilege speech ni Senator Robin Padilla noong September 5 patungkol sa kaso ng 61-anyos na si Mohammad Said, na hinarang ng BI nang magtungo sa Malaysia noong Agosto a-10.

Aniya, derogatory records lamang ang ini-implement ng bureau na kanilang natatanggap mula sa korte, InterPol, foreign governments at iba pang competent authorities.

Ang mga may criminal records ay inililipat ng bureau sa NBI at PNP upang maimbestigahan at magsagawa nang pagdakip.

Iginiit ni Tansingco na si Said ay hinarang dahil siya ay subject ng InterPol red notice noong 2017. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author