dzme1530.ph

PBBM, tiniyak ang patuloy na pakikipagtulungan sa USA at ASEAN para sa kapayapaan sa rehiyon

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang patuloy na pakikipagtulungan sa Estados Unidos at mga kapwa bansa sa Southeast Asia, upang mapanatili ang kapayapaan at progreso sa rehiyon.

Sa kanyang intervention sa 11th ASEAN-US Summit sa Indonesia, inihayag ng Pangulo na bukod sa pagiging malapit at maaasahang kaibigan at kaalyado ng Pilipinas, ang America ay katuwang din ng ASEAN sa pagkakamit ng mga mithiin sa domestic at international fronts.

Pinuri rin nito ang pag-suporta ng USA sa ASEAN centrality, ASEAN outlook sa Indo-Pacific, at ang tinawatag na “The Spirit of Camp David” joint statement ng America, Japan, at South Korea kaugnay ng mga pinaka-malalaking problema sa rehiyon.

Welcome din sa Pangulo ang Trilateral Maritime Exercises ng Pilipinas, Japan, at America para sa pagpapalakas ng humanitarian assistance at disaster relief cooperation.

Hinikayat naman ni Marcos ang ASEAN na pakinabangan ang partnership sa America sa pamamagitan ng ASEAN-US Trade and Investment Framework Arrangement at Expanded Economic Engagement.

Nagsilbing kinatawan ng America sa ASEAN-US Summit si US vice President Kamala Harris. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author