Aabot sa P14,358,200-M halaga ng iligal na droga mula sa limang abandunadong inbound parcel mula sa iba’t ibang bansa ang naharang ng mga tauhan ng Customs Port of NAIA at NAIA PDEA-IADITG sa Central Mail Exchange Center sa Domestic Road, Pasay City.
Ayon kay NAIA PDEA-IADITG Commander Gerald Javier ang unang parcel na naharang mula France na naka consignee sa isang babaeng nakatira sa Barangay Tatalon, Quezon City, ay naglalaman ng speaker kung saan nakalagay ang improvised pouches ng 2,989 piraso ng ecstasy tablets.
Habang ang pangalawang parcel na ideneklarang facial cream mula Amsterdam na naka-consignee sa isang lalakeng taga Caloocan ay mayroong nakasilid na 924 grams ng row materials ng illegal drugs.
Ang pangatlong parcel ay naglalaman ng dalawang box ng board game, limang foil pouches na may laman na 2,547 tablets.
Naglalaman naman ang pang apat na parcel na ideneklarang Pop-Up Pirate Game mula Netherlands ng 2,541 ecstasy tablets
At ang nakapaloob sa panghuling abandunadong parcel na naharang ng CMEC ay dalawang improvised paper pouch na may laman na 369 ecstasy tablets. –sa ulat ni Tony Gildo, DZME News