dzme1530.ph

DOJ, ikinakasa na ang mga paraan para mapauwi sa bansa si dating Cong. Arnie Teves

Inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na lalapit sila sa United Nations upang makausap ang mga miyembro nito para agad na mapabalik sa Pilipinas si dating Congressman Arnolfo Teves Jr.

Ayon kay Remulla, kinakailangan na maiuwi sa bansa si Teves para harapin ang kasong murder, frustrated murder at attempted murder hinggil sa pagpatay kay Governor Roel Degamo at siyam na iba pa.

Iginiit ni Remulla na sa tulong ng UN ay mapabibilis ang pagbabalik ni Teves sa bansa dahil marami na ang tutulong upang mahanap ito.

Dagdag pa ng kalihim, si Teves ay kasalukuyang nasa Timor Leste kahit pa hindi ito pinayagan makakuha ng political asylum.

Aniya, paikot-ikot na lamang sa Timor Leste, Thailand at Cambodia si Teves dahil sa wala naman boundary ang tatlong bansa.

Matatandaan na naglabas ng warrant of arrest ang Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 51 laban kay Teves at siyam na iba pa na una nang idineklara bilang terorista base sa naging desisyon ng Anti-Terrorism Council. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author