Tinawag na “honest mistake” ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang baligtad na watawat ng Pilipinas na naka-display sa bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Canadian Prime Minister Justin Trudeau, sa sidelines ng 43rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Indonesia.
Ayon kay DFA Undersecretary Ma. Theresa Lazaro, walang kinalaman ang kanilang protocol officers sa nasabing pagkakamali.
Kasunod naman nito ay itinuon ni Lazaro ang kanyang pahayag sa makukulay na medyas na suot ng dalawang lider.
Matatandaang sa litrato ng bilateral meeting, makikitang ang kulay pula ang nasa itaas ng bandila ng Pilipinas, at nasa ibaba ang kulay na asul.
Sa ilalim ng Republic Act No. 8491 o ang Flag and Heraldic Code of the Philippines, kapag nasa itaas ng bandila ang kulay na pula, nangangahulugan ito na nasa giyera ang bansa. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News