Inimbitahan ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bumisita sa Canada sa susunod na taon.
Ito ay sa bilateral meeting ng dalawang lider sa sidelines ng 43rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Indonesia.
Ayon kay Trudeau, sa 2024 ay ipagdiriwang ng Pilipinas at Canada ang ika-75 taon ng kanilang diplomatic relations.
Bukod dito, maaari rin nilang talakayin ang pagpapalago sa ugnayang pangkalakalan at ekonomiya, mga oportunidad sa investments, at people-to-people exchange.
Sinabi naman ni Marcos na masisiyahan siyang muling makapulong ang Canadian leader upang pag-usapan ang mga isyu.
Samantala, kinilala rin ng Pangulo ang papel ng Canada sa Indo-Pacific strategy kabilang ang pagsasanay sa smart border patrols, pagtugon sa krimen at terorismo, at military-to-military capacity building para sa pagtataguyod ng maritime security sa rehiyon. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News