dzme1530.ph

Malakanyang, ipinagtanggol ang paglilipat ng P221-M confidential fund sa OVP!

Ipinagtanggol ng Malakanyang ang paglilipat sa Office of the Vice President (OVP) ng P221.424-M na confidential fund ng Office of the President noong 2022.  

Sa statement ng Office of the Executive Secretary, iginiit nito na ang ginawang paglilipat ng pondo ay alinsunod sa Special Provision no. 1 ng 2022 Contingent Fund.  

Sa ilalim nito, awtorisado si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na aprubahan ang paglalabas ng pondo upang tustusan ang mga bago o mahahalagang aktibidad ng national government agencies, na kinakailangan nang maisakatuparan sa nasabing taon.  

Sinabi rin ng palasyo na sinuportahan ng Pangulo ang pangangailangan sa pondo ng noo’y bagong halal na si Vice President Sara Duterte para sa mga bago niyang programa, at ito ay may rekomendasyon din ng DBM.  

Ang mahigit P221-M ay inilaan ng OVP sa maintenance and other operating expenses kabilang ang P96.424-M para sa financial assistance at subsidy, at P125-M na confidential funds para sa bagong tatag nilang satellite offices. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author