dzme1530.ph

PBBM, inanunsyo ang pagho-host ng Pilipinas sa 2026 ASEAN Summit!  

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nakatakdang pagho-host ng Pilipinas sa 2026 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.  

Sa ASEAN Summit plenary ng 43rd ASEAN Summit and related summits sa Indonesia, inihayag ng Pangulo na handa ang Pilipinas na maging chairman ng ASEAN sa 2026.  

Kasabay nito’y tiniyak ni Marcos na palalakasin nila ang pundasyon ng community-building.  

Umaasa rin ito sa suporta mula sa kapwa ASEAN member-states, at patuloy itong makikipagtulungan upang mapalakas ang ASEAN centrality, at maitaguyod ang kapayapaan, seguridad, at kasaganahan sa rehiyon.  

Sinalo ng Plipinas ang pagho-host sa 2026 ASEAN summit matapos itong bitawan ng Myanmar sa harap ng domestic situation sa kanilang bansa. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News 

About The Author