Gumuho ang lupa sa tinitirikang bahay ng nasa 28 pamilya sa mga barangay ng Ugong at Mapulang Lupa dulot ng walang tigil na pag-ulan sa Valenzuela, kahapon.
Ayon sa Valenzuela LGU, hindi kinaya ng mga lupang tinitirikan ng mga kabahayan ang walang tigil na pag-ulan dahilan para lumambot ito at gumuho.
Karamihan sa mga kabahayn ay gawa lamang sa mga light material at inaakupahan ng isa hanggang tatlong pamilya.
Nasa halos 100 indibidwal naman ang kasalukuyang inilikas at dinala sa mga evacuation center.
Hindi pa rin matukoy ng lokal na pamahalaan kung paano nakapagpatayo ng bahay sa isang lugar na delikadong pagtayuan ng bahay.
Samantala, isa naman ang napuruhan o nasaktan sa pagguho ng lupa at kasalukuyang nasa ospital para lapatan ng agarang lunas. —sa ulat ni Jay de Castro, DZME News