dzme1530.ph

Dalawang kilo ng shabu, naharang sa pantalan ng Surigao City

Nakumpiska ng joint law enforcement team ang humigit-kumulang dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P13-M sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Lipata Port, Purok 1, Barangay Lipata, Surigao City.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) K9 Force, nahuli ang tatlong suspek habang nasa akto ng pagbebenta ng iligal na droga.

Itinurn over sa Surigao City Police Station ang mga nakumpiskang kagamitan, gayundin ang mga suspek para sa imbestigasyon at paghahain ng karampatang kaso.

Bukod sa pagbebenta sa pantalan, hinihinalang bibyahe din sa karatig lugar ang mga naharang na illegal drugs.

Tiniyak ng PCG na mananatili silang aktibo para harangin ang mga kahina-hinalang kargamento na ilulusot sa mga pantalan. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author