Ikinabahala ng advocacy groups ang paglalabas ng executive order na nagtakda sa price ceilings sa bigas sa buong bansa, na posible itong magresulta sa mababang farm gate prices.
Nabatid na inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang joint recommendation ng Department of Agriculture at Department of Trade and Industry na magtakda ng price ceilings sa bigas sa Pilipinas bunsod ng pagsirit ng presyo nito sa merkado, batay sa Executive Order No. 39, na nilagdaan ni Executive Sec. Lucas Bersamin.
Dahil dito, nasa P41 bawat kilo ang mandated price ceiling para sa regular milled rice habang ang price cap para sa well-milled rice ay P45 kada kilo.
Hindi naman sang-ayon si Amihan National Federation of Peasant Women Sec. General at Bantay Bigas Spokesperson Cathy Estavillo sa nasabing hakbang ng Pangulo, dahil posible aniya na magbunga ito ng labis na pambabarat sa farm gate price.
Nagapahayag din ng kaparehong pananaw si Ibon Foundation Research Head Rosario Guzman at Federation of Free Farmers Cooperatives National Manager Raul Montemayor kaugnay sa price ceiling sa bigas. –sa panulat ni Airiam Sancho