dzme1530.ph

Ano nga ba ang isang genetic disorder na tinatawag na stickler syndrome?

Isang genetic disorder ang stickler syndrome na kilala rin bilang hereditary progressive arthro-ophthalmopathy.

Kadalasan lumalabas ang mga sintomas nito sa mga sanggol at bata.

Mapapansin ito sa pamamagitan ng kanilang distinctive facial features, gaya ng prominent eyes, maliit na ilong, scooped-out facial appearance at receding chin.

Ilan sa sintomas nito ay problema sa paningin, pagkabingi at bone o joint abnormalities.

Habang ilan sa komplikasyon ay hirap sa paghinga, sakit sa puso at dental problems.

Sa kasalukuyan, wala pang gamot sa stickler syndrome, subalit may ilang treatment ang nakatutulong upang maibsan ang sintomas at maiwasan ang komplikasyon nito. –sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author