Aabot sa P9-M halaga ng sigarilyo at sasakyan ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa isinagawang operasyon sa sub-port sa Brgy. Bawing, General Santos City.
Sa report ng BOC, 17,000 reams ng Fort brand ng sigarilyo at tatlong close van na nagkakahalaga ng kabuuang P9,100,000.00 ang nasamsam ng komisyon katuwang ang Task Force Gensan – Bawing Detachment at Intelligence Operatives ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Inihahanda na ang paghahain ng kaso laban sa mga hindi pinangalanang may-ari ng mga kontrabando.
Ayon sa BOC, ang mga nakumpiskang bagay ay bilang bahagi ng kanilang kampanya upang maiwasan ang mga kontrabando kabilang na ang iligal na sigarilyo na makapasok sa General Santos City at sa kabuuan ng Region 12 mula sa shoreline ng bayan ng Maasim. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News