dzme1530.ph

PBBM, idineklara na ang Palawan bilang insurgency-free

Idineklara na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Palawan bilang insurgency-free.

Sa seremonya sa Puerto Princesa City para sa pagdiriwang ng National Peace Consciousness Month, tinanggap ng Pangulo ang resolusyon ng Palawan Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict at Provincial Peace and Order Council, na nagdedeklara sa Puerto Princesa City at sa buong probinsya ng Palawan bilang insurgency free.

Sa ilalim nito, kinumpirmang cleared o malinis na mula sa mga rebeldeng grupo ang focused areas sa lungsod at sa probinsya, batay na rin sa clearing validation board resolutions ng Armed Forces of the Philippines.

Sa kanyang talumpati, kinilala ng Pangulo ang pakikipagtulungan ng Regional at Provincial Task Force Against Local Communists, Provincial Peace and Order Council, at ng kanilang partner agencies para sa matagumpay na pagpapatupad ng whole of nation approach na nagbigay-daan sa pagwawakas ng local communist armed conflict sa Palawan.

Tiniyak din ni Marcos na ang palawan ay hindi maiiwan sa mga plano sa pagbabago ng lipunan, lalo’t ito ay malaking parte ng industriya ng turismo ng Pilipinas. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author