No show muli si Suspended Bureau Of Corrections Chief (BuCor) Gerald Bantag sa preliminary investigation ng Department Of Justice (DOJ) hinggil ng kinakaharap nitong dalawang murder complaints.
Sa halip, naghain ang kampo ni bantag ng Motion for Reconsideration sa kanyang dinismis na apela na humihiling na ilipat sa Office of the Ombudsman ang isinampa sa kanyang murder cases kaugnay ng pagpaslang sa broadcaster na si Percy Lapid at sa umano’y middleman sa krimen na si Jun Villamor.
Sinabi ng abogado ni Bantag na si Atty. Rocky Balisong na alinsunod sa rules sa paghahain ng Motion for Recondsideration, dapat itong desisyunan batay sa mga bagong diskubreng ebidensya o bagong developments na wala noong ihain ang apela.
Idinagdag ni Balisong na hindi pa sila nakapagsusumite ng ng Counter-affidavit dahil dapat aniya ay independent at impartial ang didinig sa kaso.
Tatlong buwan na ang nakalipas mula nang isagawa ng DOJ ang unang hearing sa mga kasong kinakaharap ni Bantag.
Muling inihayag ni Balisong na mayroong isyu ng impartiality sa DOJ dahil sa sinasabing alitan sa pagitan ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla at ng kanyang kliyente.