dzme1530.ph

Philippine Army, nakibahagi sa Barangay at SK Election Coordinating Conference

Nakiisa ang Philippine Army ikinasang Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) Coordinating Conference sa Cotabato City, kahapon.

Ayon kay Army Chief Lt. Gen. Roy Galido, isang makabuluhang diskusyon ang naging pagpupulong kasama si Commission on Election (COMELEC) Chairman George Garcia at mga opisyal ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Inilatag sa pulong ang gagawing security measures sa gagawing eleksyon, gayundin ang mga panuntunan na ipinagbabawal ng COMELEC partikular sa mga kandidato.

Napag-usapan din sa pulong na sa kauna-unahang pagkakataon magkakaroon ng isang eleksyon sa BARMM at inaasahan na maging maayos, payapa at ligtas sa anomang panggugulo ng mga kalaban ng gobyerno.

Naninidigan naman si Galido, na magiging aktibo ang militar sa pagsasagawa ng mga seguridad at magsasagawa ng mga pagkilos para makaiwas at mapigil ang anumang banta sa seguridad sa darating na BSKE sa Oktubre a-30. –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author