Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagkakatakda ng price ceiling sa bigas sa bansa.
Ito ay sa harap ng napaulat na talamak na manipulasyon ng presyo ng bigas kahit sapat naman umano ang suplay.
Sa inilabas na Executive Order No. 39, inaprubahan ng Pangulo ang rekomendasyon ng Department of Agriculture at Department of Trade and Industry na magtakda ng mandated price ceiling sa bigas sa buong bansa.
Sa ilalim ng EO, itinakda sa P41 per kilo ang mandated price ceiling ng kada kilo ng regular milled rice.
P45 per kilo naman ang price ceiling sa well-milled rice.
Magiging epektibo ang mandated price ceiling hanggang sa ipawalang-bisa ng Pangulo kung ire-rekomenda ng DA o DTI, o ng Price Coordinating Council. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News