116 na mga bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH), dahilan para lumobo na sa 4,072,188 ang nationwide caseload.
Sa pinakahuling datos mula sa DOH, bumaba sa 10,228 ang active infections kahapon mula sa 10,419 noong lunes.
Nanguna pa rin sa mga rehiyon na may pinakamataas na kaso sa nakalipas na dalawang linggo ang National Capital Region na nakapagtala ng 1,099.
CALABARZON 559
Western Visayas 276
Centra Luzon 265
Cagayan Valley 242
Umakyat din sa 3,996,234 ang total recoveries habang nadagdagan ng sampu ang bilang ng mga nasawi kaya pumalo na sa 65,726 ang Death toll.