dzme1530.ph

Klase sa lahat ng antas at trabaho sa government offices sa NCR, sinuspinde ng Malakanyang

Sinuspinde na ng Malakanyang ang klase sa lahat ng antas at trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila simula kaninang alas-3:00 ng hapon ngayong araw ng Huwebes, Agosto a-31.

Ito ay dahil sa matinding pag-ulang dala ng nagdaang super typhoon Goring, severe tropical storm Hanna, at hanging habagat.

Sa Memorandum Circular 29 na inilabas ng Palasyo, ang suspensyon ay alinsunod umano sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Hindi naman nito saklaw ang mga ahensyang naghahatid ng basic health services at ang mga nasa disaster at calamity response.

Ipina-uubaya rin sa mga pribadong kumpanya ang desisyon sa pag-suspinde sa kanilang trabaho. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME NewsWalang makuhang paglalarawan.

About The Author