dzme1530.ph

3 insidente ng karahasan, walang kaugnayan sa eleksyon

Walang kinalaman sa paparating na 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ang tatlo mula sa apat na naitalang insidente ng karahasan.

Ito ang nilinaw ni Commission on Elections Spokesperson Rex Laudiangco, na base sa report mula sa Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ay hindi election-related ang insidente na nangyari noong nakaraang linggo sa Cainta, Rizal kung saan napaslang ang mga barangay tanod at suspek sa isang engkwentro.

Kabilang din ang insidente noong August 29 sa Datu Salibo, Maguindanao, kung saan apat na tauhan ng pulisya ang nasugatan at ang mga suspek na pawang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Gayundin ang insidente sa Midsayap, North Cotabato na ikinasawi ni Punong Barangay Aspirant Haron Dimanes ng Barangay Malingaw.

Samantala, sinabi ni Laudiangco na patuloy na gumugulong ang imbestigasyon ng PNP kaugnay sa namatay na re-electionist chairperson na si Alex Repato sa Barangay San Jose, Libon, Albay. –sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author