Nagsagawa ng pagsasanay ang Department of Tourism – National Capital Region (DOT-NCR) na may temang, “Filipino Brand of Service Excellence (FBSE),” sa Philippine Ports Authority (PPA), nitong ika-30 ng Agosto taong 2023.
Nilahukan ito ng mga Port Manager at Frontline personnel ng PPA sa 25 Port Management Offices (PMO) sa ating bansa.
Ayon sa PPA, kabilang sa mga naging tatalakayan dito ang 7M’s o ang Maka-diyos, Makatao, Maka-kalikasan, Makabansa, Masiyahin, May Bayanihan, at May Pag-asa, na siyang sumasalamin sa kultura at kaugalian ng mga Pilipino at isa sa mga dahilan kung bakit binabalik-balikan ng mga turista ang Pilipinas.
Isa lamang ang pagsasanay na ito sa mga hakbang na isinasagawa ng PPA tungo sa maganda at progresibong serbisyo sa pantalan sa ilalim ng kasanayan ng DOT-NCR. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News