dzme1530.ph

Buwan ng Wika, ipinagdiriwang ng Embahada ng Pilipinas sa Syria

Nakiisa ang Embahada ng Pilipinas sa Syria sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa pamamagitan ng isang watch party kasama ang Filipino Community sa Damascus Filipino Workers’ Resource Center.

Iniharap ng embahada ang mga yugto ng “Usapang Wika,” isang serye ng dokumento na ginawa ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na nagtatampok ng ilan sa mga pangunahing wika ng Pilipinas partikular na ang Tagalog, Kapampangan, Pangasinan, Ilokano, Bikolano, Hiligaynon at Kinaray-a, Cebuano, Waray at Meranaw.

Ang Buwan ng Wika ay sinusunod sa bisa ng Proklamasyon Blg. 1041 na nilagdaan ni Pangulong Fidel V. Ramos noong 1997 na nagtatalaga sa buong buwan ng Agosto bawat taon bilang Buwan ng Wikang Pambansa. –sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author