dzme1530.ph

P12.91-B, inilaan para sa TUPAD Program ng DOLE sa 2024

Naglaan ang administrasyong Marcos ng P12.919-B sa 2024 National Budget, para sa tulong pang-hanap buhay sa ating disadvantaged workers o TUPAD Program ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon sa Department of Budget and Management, kabuuang P16.4-B ang alokasyon sa Livelihood and Emergency Employment Program ng DOLE, at malaking bahagi nito ay mapupunta sa TUPAD.

P807.716-M naman ang inilaan sa government internship program ng DOLE, at 13,554 na kabataan ang makikinabang dito.

P2.3-B ang alokasyon sa integrated livelihood program para sa 63,959 marginalized workers, at P407-M sa adjustment measures program.

Sinabi ni Budget Sec. Amenah Pangandaman na patuloy nilang tututukan ang social protection upang tiyaking walang sinuman ang maiiwan lalo na ang marginalized and vulnerable sectors. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author