Itinanggi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pinu-pustura niya ang anak na si Ilocos Norte Representative Ferdinand Alexander “Sandro Marcos para maging susunod na Pangulo ng Pilipinas.
Ito ay sa harap ng palaging pagbibitbit ng Pangulo sa kanyang panganay na anak sa kanilang Official Foreign Trips.
Sa Panel Interview sa Palasyo kasama ang ilang kawani ng Midya, inihayag ng Pangulo na hindi nila inihahanda sa anuman ang nakababatang marcos.
Sinabi ng Pangulo na si Sandro Marcos ang nagpu-pustura sa kanyang sarili, at wala umanong “long-term plan” para gawin itong Presidente ng bansa dahil siya umano mismo ang nagpasiyang pumasok sa pulitika.
Nilinaw din ng Pangulo na isinasama niya ang anak sa Foreign Travels dahil isa ito sa may akda ng isinusulong na Maharlika Investment Wealth Fund, na nagkaroon ng soft launch sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland.