dzme1530.ph

Inisyal na pinsala sa agrikultura ng bagyong Goring, pumalo sa P189.1-M

Pumalo sa P189.1-M ang inisyal na halaga ng pinsalang idinulot ng bagyong Goring sa agrikultura.

Sa report ng Disaster Risk Reduction and Management Operations Center ng Department of Agriculture, tinatayang nasa 7,032 metric tons ng palay at mais ang nasira mula sa 11,280 ektarya ng lupang sakahan.

Kabilang dito ang P132.4-M na halaga ng pananim na mais, at P56.7-M na halaga ng palay.

Malaking bahagi ng mga nasirang taniman ay nasa Cagayan at Isabela.

Aabot naman sa halos 4,000 magsasaka ang apektado.

Naka-activate pa rin ang Regional Disaster Risk Reduction and Operation Centers ng DA, at nakahanda rin ang P100-M halaga ng mga binhi ng palay at mais na ipamimigay sa mga apektadong magsasaka. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author