dzme1530.ph

IRR ng Maharlika Fund Act, aprubado na ng Bureau of Treasury

Inaprubahan na ng Bureau of Treasury ang Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa Maharlika Investment Fund (MIF) Act.

Nakalathala na sa Official Gazette of the Philippines ang 31 pahinang IRR na may lagda ni National Treasurer Rosalia De Leon.

Mababatid na nakasaad sa nasabing batas o ang Republic Act No. 11954 na ang National Treasurer ang bubuo ng mga panuntunan at regulasyon sa pamamagitan ng pagkonsulta sa governement financial institutions.

Sa ilalim ng MIF Act, itatatag ang Maharlika Investment Corporation na mamamahala at magpapatakbo sa Maharlika Investment Fund upang mapalago ito para sa karagdagang kita.

Itinakda sa P500-B ang authorized capital stock ng Maharlika Fund na manggagaling sa Landbank, Development Bank of the Philippines, Bangko Sentral ng Pilipinas, Philippine Amusement and Gaming Corp., at iba pang sources mula sa national governement. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author