dzme1530.ph

PCO, PIA, at OPAPRU, lumagda sa MOA para sa pagtutulungan sa kapayapaan

Lumagda sa Memorandum of Agreement (MOA) ang Presidential Communications Office (PCO), Philippine Information Agency (PIA), at Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU), para sa pagsasanib-pwersa sa pagtataguyod ng kapayapaan sa bansa.

Sa signing ceremony sa Pasay City, binigyang importansya ni PCO Sec. Cheloy Garafil ang epektibong komunikasyon bilang daan sa pagsulong partikular sa conflict-affected areas.

Sinabi ni Garafil na layunin nilang lumikha ng mga mensaheng akma sa magkakaibang komunidad, at maging tulay ng tiwala at pagkaka-unawaan.

Tiniyak din nito ang dedikasyon sa paglaban sa misinformation.

Sa ilalim ng MOA, lilikha ang PCO ng information, education, and communication materials, at magtatatag din ito ng online local peace engagements at transformation program.

Umaasa si Garafil na sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng empowerment ang mga dating rebelde at kanilang mga pamilya sa kanilang pagbabalik sa lipunan para maging produktibong mamamayan. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author