Muling nagsagawa ng surprise inspection sa ilang bodega ng bigas sa Bulacan si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez kasama ang ilang kongresista at opisyal ng Bureau of Customs.
Tatlong bodega sa Balagtas, Bulacan ang sinilip at isang bodega ang nakitaan ng 60,000 hanggang 70,000 sako ng palay at imported rice na inaagiw na.
Muling nagpaalala si Romualdez sa mga importers at traders na bawal ang mag-hoard.
Pakiusap muli nito sa mga importer, sumunod sa tamang proseso, habang para sa mga trader, hiniling nito na huwag nang ipitin pa sa mga warehouse ang bigas at agad itong ilabas sa merkado.
Kahapon inatasan ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. ang Bureau of Customs na higpitan ang pagbabantay sa mga pasilidad na nag-aangkat ng bigas, at tiyakin na nagbabayad sila ng tamang buwis.
Inireklamo naman ng isang importer ang sobrang taas ng presyo ngayon sa Vietnam, na aniya rason kung bakit tumataas ang presyo sa mga pamilihan.
Sa kabila nito kumbinsido si Romualdez na sapat ang supply ng bigas base sa kanilang nakita sa maraming bodega. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News