dzme1530.ph

Mahigit 2-M ektarya ng taniman ng palay at mais, posibleng masira ng bagyong Goring

Nanganganib na masira ang mahigit dalawang milyong ektarya ng taniman ng palay at mais sa bansa sa harap ng nagpapatuloy na pananalasa ng bagyong Goring.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), kabuuang 2.15-M na ektarya ng lupang sakahan ang inaasahang tatamaan ng bagyo, kabilang ang 1.6-M na ektarya ng palayan, at 548,000 ektarya ng taniman ng mais.

Kaugnay dito, inactivate na ng DA ang kanilang Regional Disaster Risk Reduction and Management Operations Centers, at nagbigay na rin ito ng advisories sa mga magsasaka at mangingisda.

Inihanda na rin ang mga binhi ng palay at mais gayundin ang mga gamot sa halaman at biologics para ipamigay sa mga maaapektuhang magsasaka.

Sa ngayon ay tinutumbok ni Goring ang hilagang-kanlurang bahagi ng Luzon. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author