dzme1530.ph

Posibleng pagtutulungan ng Pilipinas at Europa sa seguridad at depensa, welcome sa Pangulo

Tinawag na “welcome evolution” ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang posibleng pakikipagtulungan ng Pilipinas sa Europa sa mga larangan ng seguridad at depensa.

Ito ay sinabi ng pangulo sa courtesy call sa Malakanyang ni United Kingdom Foreign Sec. James Cleverly.

Ayon sa Pangulo, sa harap ng kasalukuyang sitwasyon sa geopolitics ay tinitingnan na ng Pilipinas ang pakikipag-alyansa sa Europa.

Sinabi naman ni Cleverly na umaasa siya sa pagpapalakas ng relasyon ng dalawang bansa sa maritime security gayundin sa kalakalan at paglaban sa climate change.

Nagpasalamat din ito sa Pilipinas dahil sa pagiging isang mabuting kaibigan sa UK. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author