Ibebenta sa Kadiwa ng Pangulo stalls sa mas mababang presyo ang mga smuggled na imported na bigas na makukumpiska ng Bureau of Customs.
Sa press briefing sa Malakanyang, inihayag ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio na ido-donate nila sa Department of Agriculture ang mga makukumpiskang imported na bigas na mapatutunayang ipinuslit at hindi binayaran ang buwis.
Sinabi ni Rubio na ito ay upang mapakinabangan pa rin ang mga iligal na kontrabando, sa harap ng patuloy na pagsipa ng presyo ng bigas sa merkado.
Makatutulong din ito upang makabili ang publiko ng mas murang bigas sa pamamagitan ng Kadiwa.
Tiniyak naman ng BOC na idadaan sa phytosanitary inspection ang bigas upang masigurong ligtas ito sa human consumption bago ilabas sa publiko. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News