dzme1530.ph

Bagong polisiya ng polisiya ng IACAT, pabigat sa mga biyahero!

Hinimok ni Senador Nancy Binay ang Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) na gamitin ang teknolohiya upang maisaayos ang profiling sa halip na pahirapan ang mga biyahero sa pamamagitan ng paghingi ng kung anu-ano pang mga dokumento.

Ayon kay Binay, magagamit ang teknolohiya para matiyak ang kaligtasan at madaling pagbiyahe ng mga pasahero bukod pa sa paglaban sa human trafficking.

Kung kaduda-duda anya talaga ang background ng byahero at kasamang biktima, dapat isailalim sa cross-checking ng Bureau of Immigration sa kanilang database at ikumpara ang pahayag ng biyahero.

Una rito, kinumpirma ng IACAT na simula sa Setyembre 3 ay ipatutupad nila ang bagong guidelines o alituntunin para sa mga Pilipino na umaalis ng bans.

Alinsunod sa bagong guidelines, hihingi ang IACAT ng dagdag na travel documents para sa self-funded travels tulad ng confirmed roundtrip ticket, proof of accommodation, financial capacity, purpose of travel, proof of employment at iba pang mga dokumento.

Para sa sponsored travels, inoobliga ng IACAT ang biyahero na magdala ng original PSA-issued birth o marriage certificate, confirmed round trip tickets at notarized copies of letter mula sa sponsor, valid work visa/permit at iba pa.

Sinabi ng senador na ang dapat na higpitan ay ang mga babyahe papunta sa mga bansa na walang visa at mataas ang human trafficking cases. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author