Humihirit ang Marcos administration ng P118.5-B para sa social protection programs ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ipatutupad sa 2024, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).
Sa statement, sinabi ng DBM na ang panukalang alokasyon ay para sa promotive program accounts para sa mahigit kalahati ng kabuuang budget ng ahensya na P209.9-B.
Ang promotive programs ay tumutukoy sa strategic grouping ng DSWD social protection projects na makatutulong upang mabawasan ang kahirapan sa pamamagitan ng conditional cash transfer, community-driven development at sustainable livelihood.
Ayon sa DBM, P112.84-B mula sa P118.5-B ay ilalaan para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) habang ang natitira na P5.6-B ay mapupunta sa sustainable livelihood program.
Target ng kasalukuyang administrasyon na maibaba ang poverty rate sa single digit o sa 9% pagsapit ng 2028. –sa panulat ni Lea Soriano