dzme1530.ph

Body camera, inilipat sa mga checkpoint personnel para sa pagsisimula ng election period

Ine-realign ang nasa 2,700 na mga body camera para ilagay sa mga checkpoint personnel sa pagsisimula ng Election Period para sa Barangay at SK Election.

Ayon kay Public Information Chief PBgen Red Maranan, ang mga body camera ay maaring makatulong para maging transparent ang mga checkpoint nationwide.

Dagdag ni Maranan, inatasan na rin ni Chief PNP PGen Benjamin Acorda Jr. ang mga regional officer na tutukan ang mga COMELEC checkpoint at siguraduhing walang karapatang pantao ang malalabag.

Samantala sinabi ni Maranan, na sa lalong madaling panahon ay maglalabas sila ng mga election hotspot area na iva-validate ng COMELEC at iba pang mga ahensya ng gobyerno.

Nanawagan naman ang PNP sa publiko na makipag-cooperate sa mga COMELEC checkpoint para mapairal at masigurong magkakaroon ng maayos na BSK Election. –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author